ENJOY ka ba sa malamig na panahon na iyong nararanasan these past days? Good news dahil mananatili ito sa mga susunod na araw.
Ngayong Biyernes, magiging maganda ang panahon bagamat posibleng may pag-ulan, ayon Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Maging ang Mindanao ay makarararanas ng maaliwas na lagay ng panahon.
Sa pagtataya ng Pagasa, magdadala ng maulap na papawirin hanggang sa may pag-ulan dulot ng northeast monsoon o ang tinatawag na amihan sa Cagayan Valley, habang rainshowers at thunderstorms naman sa Bicol region.