ASAHAN na magiging mainit at maalinsangan sa Lunes ngayong Lunes, Mayo 9, 2022, election day, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Gayunman, posible pa ring umulan sa hapon at gabi, dagdag pa ng weather bureau, dulot ng easterlies.
Samantala, makararanas naman ng maulap na himpapawid at tsansang pag-ulan sa Caraga at Davao region.
Ang kabuuang bahagi ng Mindanao, maging ng Visayas, ay magiging maganda ang lagay ng panahon sa umaga samantalang posible ring umulan sa hapon at gabi.
“Pinaaalalahanan natin ang ating mga kababayan na magdala lagi ng pananggalang sa init ng araw at sa ating mga kababayan na boboto at magsisipunta sa kani kanilang presinto,” ayon sa weather forecaster na si Daniel James Villamil.
“Pinapayuhan natin sila na magdala o magbaon ng inuming tubig para maiwasan ang panganib ng heat stroke, kaya pagiingat po sa ating mga kababayang boboto lalong lalo na sa ating mga senior citizens o yung mga may existing medical conditions,” anya pa.