Site icon Pinoy Publiko

Mahigit 1,000 pamilya sa Iligan City binaha

Bahagi ng Iligan City na binaha. PHOTO Cha Cha Moca/Facebook

DAHIL sa walang tigil na pag-uulan dala ng low pressure area, may 1,166 pamilya ang apektado ng baha sa Iligan City, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes.

Apektado rin ang Lanao del Norte sa pag-uulan na dala LPA at easterlies.

Inilikas ang mga apektadong pamilya sa matataas na lugar. Wala naman naiulat na nasawi o nasugatan sa pagbaha.

Exit mobile version