NAGPAKAWALA ng tubig ang Magat Dam sa Isabela sa harap ng inaasahang epekto ng super typhoon Karding sa mga apektadong lugar sa Region 1.
Ganap na alas-12 ng tanghali nang buksan ang isa sa mga gate ng dam nitong Sabado sa bilis na 170 cubic per second (cms).
Ayon sa abiso ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) sa kasalukuyan, umabot na sa 187.67 metro ang lebel ng tubig sa Magat, mas mababa ng 2.33 metro kumpara sa spilling level nito na 190 metro.
Nauna nang itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang signal number 2 sa Isabela at Aurora.