Listahan ng walang pasok sa Lunes dahil sa bagyong Nika

ILANG lugar na sa bansa ang nagdeklara ng class suspension sa Lunes (Nov. 11, 2024) bunsod ng epekto ng Tropical Storm Nika.

Sa weather update alas-2 ng hapon, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (Pagasa) siyam na lugar sa Luzon ang isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 matapos lumakas pa ang bagyo Linggo ng hapon.

Inaasahan na magiging typhoon si Nika sa mga susunod na orass Nika intensified on Sunday afterno.

Dahil dito, nag-anunsyo na ng walang pasok sa eskwela ang mga sumusunod na lugar.

Walang pasok sa lahat ng antas, privat at public sa Baguio City; Talavera, Nueva Ecija; Echague, Isabela: Mulanay, Quezon; Camarines Sur; Naga City;

Preschool hanggang senior high school, pribado at pampubliko, naman sa Guinayanan, Quezon: Tagkawayan, Quezon.

Sa Bacacay, Albay ay preschool to senior high school, face-to-face classes only, hanggang sa mai-lift ang anunsyo, ganon din sa Malinao, Malilipot, Oas, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Tabaco City, Tiwi sa Albay ay Preschool to senior high school, face-to-face classes only, public at private.

Huling namataan si Nika sa 425 kilometers (km) silangan ng Infanta, Quezon. May taglay ito na hangin na may bilis na 110 kilometers per hour at pagbusgong hanggang 135 kph.