‘Leon’ tumindi pa, isang typhoon na

Mula sa Severe Tropical Storm, isang typhoon na ngayon si “Leon” ayon sa weather bureau.

Taglay nito ang hangin na may lakas na hanggang 130 km-per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 160 kph, ayon sa 10 a.m. update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Huling namataan ang bagyo 590 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan alas-10 ng umaga ngayong Martes.

As of posting time, 21 lugar sa Luzon at dalawa sa Visayas ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.