‘Leon’ super typhoon na; extreme N. Luzon tutumbukin

LALO pang lumakas si Leon dahilan para i-angat ito sa kategoryang super typhoon, ayon sa weather bureau ngayong Miyerkules.

Tutumbukin ng super typhoon Leon ang extreme Northern Luzon.

Taglay ni Leon ang maximum sustained winds na 185 km. per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 230 kph, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration’s (PAGASA) 11 a.m. bulletin.

Huling namataan ang bagyo 350 km. silangan ng Calayan, Cagayan, alas-10 ng umaga.

Isinailalim na sa tropical cyclone wind signal (TCWS) no. 3 ang Batanes, eastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Calayan Is.), at hilagang silangan ng mainland Cagayan (Sta. Ana) the northeastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana), na inaasahang makararanas ng strong to typhoon-force winds.

Itinaas naman ang TCWS no. 2 sa rest of Babuyan Islands, the rest of mainland Cagayan, northern at eastern portions ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos, City of Cauayan, San Guillermo, Angadanan, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Roxas, Aurora, San Manuel), Apayao, Kalinga, northern at eastern portions ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), eastern portion ng Mountain Province (Paracelis), at Ilocos Norte.

TCWS no. 1 naman ay itinaas sa kabuuang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, kabuuang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Benguet, Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, northeastern portion ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Paniqui, Moncada, Anao, San Manuel, Pura, Ramos, Victoria, Gerona, Santa Ignacia, City of Tarlac, La Paz), northern portion nf Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel), northern portion ng Quezon (Infanta, General Nakar) kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan), at northern at eastern portions of Catanduanes (Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Baras, Caramoran).

Inaasahan na isailalim din sa TCWS no. 4 ang Batanes Miyerkules ng hapon.

Hindi rin isinasantabi na ilagay sa TCWS No. 5 ang lalawigan.