‘Leon’ lumakas pa, Severe Tropical Storm na

LUMAKAS pa at naging Severe Tropical storm na ang bagyong “Leon” (International name: Kong-Rey) ayon sa bagong forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa 10 a.m. update ng Pagasa, ang sentro ni “Leon” ay namataan 735 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, o 780 km silangan ng Echague, Isabela.

May taglay itong lakas ng hangin na 95 kmh malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 115 kmh. Ito ay kumikilos pakanlurang sa bilis na 20 kmh.

Nakataas ngayon ang Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga, the eastern portion of Mountain Province, eastern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista), eastern portion ng Quirino (Maddela), northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan), at northern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).