Isabela, Aurora delikado kay ‘Nika’

NAGBABANTA ang bagyong Nika na kakapasok pa lang sa bansa nitong Sabado.

Posibleng ang Tropical Depression Nika ay maging Severe Tropical Storm sa Lunes, na ang tutumbukin ay maaaring ang lalawigan ng Isabela o Aurora, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (Pagasa).

Sa 11 a.m. bulletin ng PAgasa, sinabi nito na kumilos si “Nika” pa kanluran-hilagang kanluran. At posibleng mag-landfall sa Lunes sa Isabela o Aurora.

“This tropical cyclone is forecast to gradually intensify and may reach severe tropical storm category by Monday,” ayon pa sa weather bureau.

Namataan ang bagyo 1,145 kilometers (km) silangan ng southeastern Luzon, at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour (kph).

May taglay na hangin na may bilis na 55 kph at pagbugso na hanggang 70 kph.

Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Catanduanes.

Pumasok sa Philippine Area of Responsibility si Nika alas-2 ng madaling araw Biyernes at naging ganap na bagyon alas-8 ng umaga.