‘Hindi po ito biro. Evacuate now!’

ITO ang apela ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa mga residente na nakatira sa mga baybayin sa gitna ng banta ng mga storm surge.

Ani Remulla, aabot sa pagitan ng lima hanggang pitong metro ang taas ng mga storm surge sa inaasahang pag-landfall ng bagyong Pepito.

Inatasan din ni Remulla ang mga opisyal ng 23 probinsya at ng Metro Manila na malapit sa dagat na agad nang magpatupad ng preventive evacuation.

“Ngayon pa lang ay may pakiusap na kami sa lahat ng coastal barangays sa mga lalawigan na ilisan na ang mga tao sa lugar na mula sampung metro sa dagat. Ang storm surge na posible mangyari ay lagpas bahay ang pasok ng dagat sa baybayin,” ayon sa opisyal.

Idinagdag ni Remulla na kabilang sa mga lugar na makakaramdam ng hagupit ng bagyo ang NCR, Cavite, Bulacan, Rizal, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Quirino, Benguet, Zambales, at La Union.