ISANG super typhoon na ngayon ang bagyong Goring, ayon sa pahayag ng PAGASA ngayong Linggo.
Dahil dito, inaasahan na magdudulot ng mabibigat na pag-ulan si “Goring” sa maraming bahagi ng bansa.
Naispatan ang bagyo sa coastal waters ng Palanan, Isabela alas-4 ng madaling araw na may taglay na hangin na 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 230 kph.
Inaasahan na magdudulot ng malakas na ulan na aabot sa mahigit na 200 mm o may 8 pulgada sa extreme portion ng Isabela ngayong araw.
“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards,” ayon sa weather bureau.
Palalakasin pa ni “Goring” ang southwest monsoon o habagat na siya namang magdudulot ng occasional rains sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa mga susunod na tatlong araw.
Sa 5 a.m. bulletin, itinaas ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal No. 3 sa extreme eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan).
Itinaas naman ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Eastern portion of mainland Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana)
- Eastern portion of Isabela (Dinapigue, Ilagan City, Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Benito Soliven, San Mariano)
- Extreme northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
Signal No. 1:
- Babuyan Islands
- Rest of mainland Cagayan
- Rest of Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Eastern portion of Benguet (Bokod, Buguias, Kabayan, Mankayan)
- Eastern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Vintar, Carasi, Nueva Era, Banna, Marcos, Dingras, Solsona, Piddig, Dumalneg, Bangui)
- Northeastern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal)
- Northern and central portions of Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis)
- Polillo Islands
- Calaguas Islands
Inaasahan din na tatama sa lupa ang bagyo sa Miyerkules o Huwebes ng umaga sa katimugang bahagi ng Taiwan.