MATAPOS humina at ibaba sa typhoon status lang ngayong Lunes, posibleng bumalik sa pagiging super typhoon si Goring sa Martes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Alas-2 ng madaling araw ng ibaba ng PAGASA sa typhoon status ang bagyo at inaasahang babalik sa pagiging super typhoon alas-2 ng hapon sa Martes.
“Goring is forecast to slightly weaken further in the next 12 hours due to upwelling of cooler ocean waters and onset of dry air intrusion before re-intensifying as it turns northwestward,” pahayag ng weather bureau.
“It may be upgraded again to super typhoon category by mid tomorrow,” dagdag nito.
Namataan ang mata ng bagyo 210 kilometro silangang bahagi ng Casiguran, Aurora na taglaya ang hangin na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pagbugsong hanggang 215 kph.