Bagyong ‘Marce’ nagbabanta sa Pinas

NAKABANTAY na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng masamang epekto na idudulot ng panibagong weather disturbance.

Isa na namang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang ngayon ay isa nang tropical depression, ayon sa anansyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa 2 p.m. update nito.

Tatawagin ang bagyo na “Marce” na namataan 1,350 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Ayon kay National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro, Jr., na siya ring chair ng NDRRMC, pinakikilos na ang mga tauhan ng ahensiya para sa gagawing paghahanda at pagmonitor sa sitwasyon na idudulot ng panibagong bagyo.

Hinikayat din ni Teodoro ang publiko na magmonitor at magbantay.

“The NDRRMC urges all citizens to stay informed and heed official advisories as the situation develops. The council remains committed to safeguarding lives and properties across the nation,” ayon dito.