MATAPOS manalasa sa northern Luzon nitong mga nakalipas na araw, nagbalik sa Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Julian ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa weather bureau.
Sa advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang buntot ng bagyo ay magdudulot ng maulap na himpapawid na may kalat-kalat na pag-ulan, kulog at kidlat sa Batanes at Babuyan Islands.
Matinding pag-ulan naman ang idinudulot ng bagyo sa Taiwan kung saan inaasahan maglalandfall ang bagyo mamayang hapon o gabi.
Gayunman, pahina na rin ang bagyo at inaasahan na maging isang low pressure area na lamang ito bukas, Okt. 4, 2024.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, malaki ang naidulot na pinsala ng bagyo sa Batanes kung saan pinutol nito ang kuryente at linya ng komunikasyon, jabang walo ang naiulat na nasugatan at isa ang patuloy na pinaghahanap.
Umabot naman sa mahigit 5,400 ang nawalan ng kanilang matitirahan sa bahaging timog ng bansa, partikula na sa Iloco at Cagayan Valley.