SA kabila ng matinding init na nararanasan ng maraming bahagi ng bansa, posibleng may pumasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan, ayon sa weather bureau.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng mag-develop ang isang low pressure area sa Mindanao.
“At present, we have not monitored a low-pressure area (LPA) or typhoon inside or near us, although we do not discount the possibility that a low-pressure area will develop in the next few days,” ayon sa Pagasa.
“It is possible (that the typhoon) could develop below or in the southern or eastern part of Mindanao. It is still a possibility, but at present we have yet to monitor it,” paliwanag nito.
Kung sakaling matuloy man ito, papangalanan ang bagyo ng Aghon.