NAKAALERTO na ang iba’t ibang unit ng Armed Forces para sa disaster response operations at para magsagawa ng humanitarian assistance sa mga lugar na inaasahang babayuhin ng Super Typhoon Karding.
Handa ang buong pwersa ng ng Northern Luzon at Southern Luzon Command at maging ang Western Command at mga units na nasa kanilang hurisdiksyon.
Nakadeploy na rin ang mga trucks at personnel na siyang tutulong para sa mandatory evacuation ng mga residente sa mga delikadong lugar habang naka-standby naman ang air and naval assets ng AFP na siya namang tutugon sa mga agarang aerial assessment, transport at evacuation operations.