AABOT na sa 746,000 indibidwal ang inaasahang maapektuhan ng bagyong Kiko sa susunod na 72 oras, ayon kay Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo Jalad.
“Based on the predictive analytics by DSWD, using PAGASA’s data on rainfall, around 746,000 individuals are projected to be affected by Typhoon Kiko in the next 72 hours,” ssbi ni Jalad sa kanyang ulat sa pangulo sa isinagawang Talk to the Nation na inere Sabado ng umaga.
Aniya, aabot hanggang Mindanao ang lawak ng epekto ni ‘Kiko’.
“These areas include also areas in Mindanao, which will experience heavy rains due to Typhoon Kiko,” sabi ni Jalad.
Ayon pa kay Jalad, may posibilidad na maging supertyphoon ang bagyong Kiko.