Base sa pagtataya, sinabi ni Pagasa Assistant Weather Services Chief and Weather Division Officer-in-Charge Christopher Perez na dalawa hanggang walo ang naitalang mga bagyo na papasok sa bansa mula Oktubre hanggang Disyembre.
At dalawa rito ay nakapasok na — ang Severe Tropical Storms Kristine (international name: Trami) na nakapag-iwan ng matinding pinsala at Leon (international name: Kong-rey) na ngayon ay inaasahan ding mananalasa.
“Dahil nakadalawa na tayo ngayong October, likely mga hanggang anim na po yung maximum na number ng tropical cyclone na inaasahan natin bago matapos ang taon,” ayon kay Perez sa press conference nitong Lunes.
Sinabi rin nito na asahan na ang mga dadating pang bagyo ngayong huling bahagi ng taon ay mas malakas at posible ring tatama sa kalupaan.