ANIM HAGGANG SIYAM na bagyo pa ang papasok sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng 2022, ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Administrator Vicente Malano
“Sa Oktubre po, mayroon tayong dalawa hanggang apat, sa November mayroon po tayong dalawa hanggang tatlo at sa December po mayroon tayong hanggang dalawa. So nasa anim hanggang siyam pa itong taon na ito,” sabi ni Malano.
Sa kabila nito ay patuloy ang ginagawang paghahanda ng Pagasa Idinagdag ni Malano na patuloy ang paghahanda ng Pagasa sa harap ng inaasahang pagpasok ng malalakas na bagyo sa bansa.
“Marami po tayong mga ginagawa patungkol po sa paghahanda ng epekto ng mga malalakas na bagyo, kamukha ng sinasabi natin kanina, iyong hazard mapping, information education campaign para po lalo tayong maintindihan kung paano nga talaga ang science ng meteorology, science ng hydrometeorology. Dahil kung minsan po parang hindi po gaanong nauunawaan,” aniya.