TATLONG bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Hulyo, ayon sa weather bureau.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na maaaring maapektuhan ng mga bagyo ang hilagang Luzon at silangang Visayas at palalakasin ng mga ito ang southwest monsoon o habagat.
Maliban sa hilagang Luzon, uulanin din ang kanlurang bahagi ng Central Luzon sa susunod na buwan.
Inaasahan naman ng Pagasa na magpapatuloy ang nararanasang “neutral” na El Niño hanggang Nobyembre.