NAKABANTAY ang weather bureau sa dalawang low-pressure areas (LPA) na nasa labas ng Philippine area of Responsibility (PAR).
May mababang posibilidad naman anya itong magdevelop sa bagyo sa susunod na 24 na oras, ayon sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Linggo ng umaga.
“Itong parehong LPA na ito ay hindi natin inaalis yung posibilidad na maging isang bagyo sa mga susunod na araw. Ngunit within 24 hours, nanatiling mababa ang tsansa nito ma-develop at ayon sa ating latest analysis, wala rin itong direct effect sa anumang bahagi ng bansa,” ayon sa weather specialist Grace Castañeda.
Ang LPA na namataan sa silanan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon ay magpapalakas sa habagat habang papalapit sa PAR.
Samantala, patuloy na magpapaulan ang habagat sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.
“Samantala, itong LPA sa may silangan ng Mindanao, kapag ito ay lumapit sa ating PAR ay posible din nyang slightly mahila itong habagat kung saan, posible, by second half of this week ay magdulot naman ng mataas na tsansa ng pag-ulan sa may western section ng Visayas at Mindanao,” dagdag pa ni Castañeda.