SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan.
Sinabi ng Ariel Rojas ng PAGASA Weather Forecasting Center na bagamat hindi nasusukat ang lakas ng mga bagyong papasok sa bansa, inaasahan naman na ang Southern Luzon at Visayas ang tutumbukin ng mga ito.
“For the month of November, dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa PAR. Base sa climatology ng mga nakaraang bagyo, kadalasan sa Southern Luzon at Visayas naglalandfall ang mga bagyo sa buwan ng Nobyembre kayat pinaghahanda natin ang ating mga kababayan,” sabi ni Rojas sa panayam sa DZMM.
Nauna nang inanunsyo ng PAGASA na nagsimula noong Oktubre ang La Niña na tatagal sa unang bahagi ng 2022.