10 na patay kay ‘Enteng’, ‘habagat’

UMABOT na sa 10 ang nasawi dulot ng epekto ng Tropical Storm Enteng at “habagat”, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.

Pito ang naiulat na nasawi mula sa Calabarzon, dalawa sa Central Visayas at isa sa Western Visayas.

Samantala, 10 naman ang naiulat na nasugatan sa Central Visayas.

Iniulat din ng NDRRMC na umabot na sa 37,867 pamilya o 147,024 indibidwal sa 338 barangay sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, at National Capital Region ang apektado ng bagyo at habagat.

May 17 kabahayan naman ang naiulat na nasira sa Bicol, Western Visayas, and Central Visayas.