10 bayan sa BARMM binaha dahil din kay #PaengPH

SAMPUNG bayan, kabilang na ang syudad ng Cotatabo ang apektado ng mga pagbaha at landslide sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng bagyong Paeng.

Ilang sa mga apektado ng pagbaha at landslide ay ang Datu Odin Sinsuat, Datu Blah, South Upi, Sultan Mastura, Sultan Kudarat, Cotabato City, South Upi, Northern Kabuntalan, at Guindulungan, ayon kay Naguib Sinarimbo, minister ng interior and local government ng BARMM.

Anya, tumaas ang tubig nang paunti-unti simula Biyernes ng madaling araw dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.