PANIBAGONG bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong Setyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon kay PAGASA weather forecaster Obet Badrina, sa kabuuan, tatlong bagyo ang inaasahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility.
“Ngayong Setyembre, tatlong bagyo ang maaaring mabuo sa PAR,” ayon kay Badrina sa panayam sa DZMM.
Nauna nang pumasok at nakaapekto sa bansa ang bagyong Gardo at Henry.
“Nasa southern part na ng Korea ang bagyong Henry o sa western part ng Japan, magiging maulap naman ang malaking bahagi ng Ilocos region, kasama ang batanes, Babuyan, gayundin sa Zambales at Bataan,” dagdag ni Badrina.