Usec dedma sa hamon ni Neil Arce; nagpatutsada uli kay Angel Locsin

WALA pang sagot si Philippine Information Agency Undersecretary Mon Cualoping sa “lalake sa lalake” na hamon ni Neil Arce pero may bago itong patutsada sa asawa ng huli na si Angel Locsin.


Nitong Lunes ay nirepost ni Cualoping ang Facebook post ng isang Ethel Pineda ukol sa mga tao na tinatawag na tanga.


“Pag tinawag kang tanga, I suggest do not make so much fuss in public about it. Do not call attention to yourself, giving people the chance to prove it is indeed true,” ayon kay Pineda.


Sundot na comment naman ng undersecretary na mula sa Davao City: “Alam niyo na ha, guys. Para di malaman ng tao walang brain cells.”


Bago ito ay tinawag ni Cualoping si Angel na walang brain cells makaraan itong maglahad ng opinyon ukol sa pamahalaannat kapulisan.


Kaya bilang tugon, hinamon ni Neil ang opisyal.


“Hey Mon I don’t know you, but people have been sending me this post. Mukhang sobrang tapang mo sa Facebook sir. I respect your political stand and your opinions but insulting my wife personally is a bit off. You can message me here on Facebook kung matapang ka talaga kita tayo no weapons no bodyguards lalake sa lalake lang kung di ka lalaki baka may kuya ka or kapatid na bata. Puwede na din proxy. Hope to see you soon,” aniya.
–A. Mae Rodriguez