Transman buntis, magiging tatay na

EXCITED na sa pagdating ng kanyang panganay ang transman na si Jesi Corcuera.

Shinare ng dating “Starstruck” finalist at “Pinoy Big Brother” housemate ang mga larawan ng kanyang baby bump at sinabing nagdesisyon siyang magkaanak dahil sa partner niyang si Cams.

“Sa pagtayo ko bilang tatay ng mga anak ni Cams, maraming naging realizations. Isa na dun yung baka may chance pa pala akong magkaroon ng sarili kong anak,” aniya. “Fast forward ngayong taon, di ko in-expect na mabubuo siya through my last option na ako ang magdadala pero sobrang thankful ako na pinagkaloob ito ng Diyos sa akin.”

“Hindi naging madali ang prosesong ito para sa akin kaya sana hindi niyo rin ganun kadaling husgahan kung anong nakikita niyo ngayon,” dagdag niya.