Trans teen pinayagang mag-uniporme na pambabae sa school

LAKING-PASALAMAT ni Sessy Maravillo sa Leyte National High School sa pagpayag ng mga opisyal nito na isuot ang uniporme na gusto niya.

Sa Facebook post, ibinahagi ng Grade 12 student ang mga larawan niya na naka-blouse, palda at necktie.


“As a transwoman, I will be eternally grateful to Leyte National High School for allowing me to wear a uniform that I am more comfortable with,” caption niya.

“I feel the strong and warm support of my school especially the love of my teachers and their strong regard towards the gender that I have,” dagdag niya.