NANAWAGAN ang National Privacy Commission (NPC) sa publiko na huwag i-share sa social media ang mga sensitibong video ng mga bata na magbibigay ng dahilan para sila ma-bully at makaranas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso.
Ginawa ng NPC ang panawagan matapos kumalat sa social media ang video ng isang bata habang siya ay tinutuli.
Sa kalatas, sinabi ng NPC, na hindi dapat isinasapubliko ang mga sensitibong content lalo pa’t ang involve ay menor de edad.
Bukod sa cyberbullying, nakawawala ng dignidad ang privacy.
“This would expose them to potential cyberbullying and infringe upon their privacy and dignity.”
“The unauthorized sharing of videos or images involving children not only violates their privacy rights, but it may also lead to serious psychological and social consequences,” ayon sa ahensiya.
Hinikayat ng NPC ang publiko na i-report agad ang mga ganitong video sa mga platform administrators.
“Most social media and video-sharing platforms have mechanisms in place to address and remove content that violates privacy standards,” dagdag pa nito.