HINDI maganda ang pangitain ng psychic na si Rudy Baldwin para sa 2025.
Sa “Toni Talks” ni Toni Gonzaga, isiniwalat ni Rudy na isang bagong peste na galing sa hangin ang kakalat sa mundo.
“Hindi ko siya ma-compare sa virus. I don’t know what to call it yet. Isa siyang hangin na may dalang bacteria. It so bad,” aniya sabay sabi na mas malala ito sa monkey pox.
Bagamat mas nakakatakot ito sa monkey pox, mayroon naman agad matutuklasang lunas para sa sakit.
“Kumbaga parang naghe-heal na siya rito banda [sa kamay], mayroon naman dito [sa braso],” ani Rudy.
Ibinalita rin ng fortune teller na hindi magreresulta ang peste sa mga lockdown gaya nang nangyari sa Covid-19.