Roque dinipensahan P1.2M sanitary napkin

IPINAGTANGGOL ni presidential spokesperson Harry Roque ang Overseas Workers Welfare Administration matapos itong kinuwestiyunin ng Commission on Audit dahil sa pagbili ng P1.2 milyon halaga ng sanitary napkin, tubig at snacks.


Sa briefing, iginiit ni Roque na hindi pa pinal ang report na isinumite ng OWWA sa COA.


“Unang-una po ang sabi ng OWWA, ang report po ay hindi pa po pinal iyan. Iyan po ay sasagutin pa ng ahensiya at hindi po iyan galing sa OWWA trust fund, iyan po ay galing sa General Appropriations Act,” paliwanag ni Roque.


Idinagdag ng opisyal na batay sa pahayag ng OWWA, nasa 99.9 porsiyento ang compliance sa fiscal responsibilities nito noong 2020. –WC