Rendon worried kay Diwata: Alam ba niya pinapasok niya?

NAG-AALALA ang social media personality at businessman na si Rendon Labador kay Diwata sa pagsabak nito sa politika.

Nitong Miyerkules ay naghain ang viral food store vendor ng certificate of nomination and acceptance (CONA) bilang ikaapat na nominee ng Vendor’s party-list, isang grupo na nagtataguyod ng interes ng mga vendor.

“Baka akala ni Diwata magluluto at magtitinda lang siya ng pares. Paki tanong nga kung alam niya ‘yang pinapasok niya. Nag aalala ako para sa kanya,” ani Rendon sa Facebook post.

“Siguraduhin sana ng mga influ/celeb o mga content creators ang pinapasok nila. Kasi baka imbes na makatulong, maging abala pa kayo, huwag naman sana,” paalala naman niya sa iba pang content creators na tatakbo sa 2025 midterm elections.