Rendon kay Caloy: Medalya di bagay sa ugali mo

NAKAKALATAY ang mga binitawang salita ng businessman at social media personality na si Rendon Labador sa Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Sa isang Facebook post ukol sa umano’y pagboykot ng ilang kliyente sa bangko na ineendorso ni Caloy, nagkomento si Rendon at tinawag na “t*nga” ang gymnast dahil sa “pang-iiwan” nito sa pamilya.

“Balewala ang mga medalya mo kung wala ka namang pamilya. Itapon mo na lang yan kasi hindi bagay sa ugali mo,” ani Rendon.

Hirit pa niya: “May oras ka pa para iwanan ang babaeng sisira ng buhay mo at bumalik sa babaeng nag bigay ng buhay sayo.. ang nanay mo.”

“Ayaw ko sana sabihin to, pero tingin kong deserve mo.. Huwag kang t*nga,” dagdag ni Rendon. “Magbago ka na hanggang may pagkakataon ka pa.”