TRENDING ang Kapuso gameshow na Family Feud dahil sa sagot ng isang contenstant sa tanong na, “Ano’ng body part ang nagsisimula sa letter T?”
Ang sagot ng contestant na si Buunja Agustin: “T*ti.”
Hindi naman na-distract ang host na si Dingdong Dantes at itinuloy nito ang pagtatanong dahil may tumatakbong oras.
Hati naman ang mga netizens ukol dito.
Ayon sa writer na si Jerry B. Grácio, walang masama sa nasabing salita dahil iyon naman talaga ang tawag doon.
“She not wrong tho since ang tanong naman is “in filipino, anong body part ang nagsisimula sa letrang t,” sey ni @zzorls.
“I am just a little bit disappointed to family feud yesterday, I think there’s nothing wrong to say “t*te’ and bakit kailangan pang i censored yon, hello we are in the 21st century and can we plase normalize saying those words kasi hindi naman siya bastos at meron tayo non! hays,” sabi ni @leynesdaryl.
“Bruh how come people are laughing at ate’s answer sa familyfeud. totoo namang t*te is a body part. aside from tenga, talampakan, tagiliran, and so on. genitals are not something funny for you to laugh at,” giit ni @jnxobidian.
“Apaka plastic ng survey nyo family feud bakit 0 ang t*te?” hirit ni #marypriv.
Paliwanag naman ng ilan na ang nasabing salita ay hindi ginagamit sa publiko, partikular sa mga TV shows na pinanonood ng mga bata.