MARAMI ang nanghinayang sa hindi pagkikita ng magkakapatid na Carlos, Eldrew at Elaiza Yulo sa Japan.
Ayon kay Chloe San Jose, girlfriend ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos, nag-reach out sila kina Eldrew at Elaiza nang bumiyahe sila sa Japan kamakailan.
Nasa Japan ang mga gymnasts din na sina Eldrew at Elaiza para sa training.
Pahayag ni Chloe: “We were just there at the same time as them–we reached out.”
Humingi umano ng permiso ang dalawang bata sa kanilang coach kung maaari nilang makita ang kanilang kuya pero hindi sila pinayagan.
“They asked permission to see us lol but i guess they were too busy,” dagdag ni Chloe.
Komento ng publiko na nanghinayang dahil hindi natuloy ang pagkikita ng magkakapatid:
“Wala naman atang issue si C sa mga kapatid… I’m sure proud and happy si C sa maaachieve ng mga kapatid nya.”
“This is a good start, willing both camp to meet.”
“Hayaan na natin sila guys. Kaya lalo silang gumugulo dahil sa mapanulsol at pakialamerang tulad natin.”