Publiko nag-react sa pagsilip ni Carlos Yulo sa live selling ng ina

NAAKTUHAN ng netizens si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na nanonood ng live selling ng inang si Angelica.

Na-screenshot ng Facebook page na “Celebrity Random Updates” ang paglitaw ng verified Facebook account ng gymnast na “Carlos Edriel Yulo” sa kasagsagan ng pagbebenta ng damit ni Angelica.

Umani naman ng sari-saring reaksyon mula sa publiko ang pangyayari.

“Paawa.”

“Hindi naman paawa. Kailangan naman talagang gumawa ng pera araw-araw.”

“Kelan pa paawa ang maghanap buhay ng patas?”

“Tinitingnan lang ni Caloy yan kung baka may sasabihin na namang banat sa kanya.”

“Ok na yan atleast kumakayod sila at di umaasa kay Caloy.”

“Hindi makatiis ang anak. Hindi dini dedma ang magulang. Sana ang pamilyang yulo will give him time and space at RESPETO din. Huwag ipapahiya ang anak.”