Publiko bumilib sa ‘person with dream’

SINALUDUHAN ng publiko ang isang person with disability sa Agusan del Sur na nagpupursige na makapag-aral sa kabila ng kapansanan.

Viral sa social media ang video kung saan makikita si Paul Lacar na umaakyat sa stage sa kanilang moving-up ceremony sa Del Monte National High School sa Talacogon, Agusan del Sur.

Tumanggap si Lacar, na senior high school student na sa pasukan, ng conduct award.

Napag-alaman na lumiit ang binti ni Lacar dahil sa kapansanan kaya kailangang alalayan ng mga kamay ang kanyang paglalakad.

Ayon sa uploader ng video na Cherwin Cervantes, isa si Lacar sa mga student interns ng paaralan.

“Sa kabila ng kanyang sitwasyon, hindi talaga siya nagpapahuli sa mga task at activities ng kanyang mga kaklase. I created activities suited for him, pero sinasabi niyang kaya niyang gawin ang mga ito,” dagdag ni Cervantes, isa sa mga guro ni Lacar.

Tinawag din niya ang estudyante na “Person with Dreams.”