Pinoy no. 1 sa Pornhub

NANGUNGUNA ang mga Pinoy sa pinakamahabang oras na ginugugol sa panonood sa Pornhub, ayon sa annual report nito.

Ayon sa ulat ng Pornhub nitong Disyembre 14, ang mga Pilipino ay gumugol ng halos 11 minuto at 31 segundo sa panonood, na tinalo ang ibang mga bansa tulad ng Japan na pumangalawa sa 10 minuto at 3 segundo, France (10 minuto at 2 segundo), Netherlands (9 minuto at 59 segundo), at Ukraine (9 minuto at 53 segundo).

“This year, the Philippines tops the list of the longest lasting countries at 11 minutes 31 seconds. Japan is the only Top 20 country with an increase in viewing time (+12 sec) making it the second longest lasting country at 10 minutes 3 seconds,” ayon sa Pornhub.

Mas mababa ito nang 47 segundo kumpara sa data noong 2020.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nanguna ang bansa sa oras na ginugol sa panonood ng porn: noong 2017 at 2018, ang mga Pilipino rin ang nangungunang mamamayan mahilig manood ng porn.

Samantala, mas madaming babaeng Pinoy ang naglalagi sa Pornhub kumpara sa mga lalaki.