Pinagsabihan ng mister, Rosmar Tan magbabagong-buhay na

NAPAGAGULGOL ang kontrobersyal na CEO at vlogger na si Rosmar Tan makaraang kausapin nang masinsinan ng asawang si Nathan.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Rosmar na nagkaroon siya ng mga realizations matapos ang pag-uusap ng mister.

Kwento ni Rosmar:

“Habang nasa sasakyan kami pauwi kagabi ng asawa ko nagkaroon kami ng conversation.

“Nathan: Mommy, Tama na ang pang aasar, pagyayabang at pang-iinis sa socmed ha?

“Me: Daddy alam mo naman na hindi talaga ako mayabang in real life.

“(Biglang umiyak si nathan while driving)

“Nathan: Mommy, alam ko yun na hindi ka mayabang sa totoong buhay kaya nga nasasaktan ako everytime na binabash ka nila ng mayabang, kasi alam ko ang totoong ugali mo. Kaya simula ngayon mommy tigil mo na pang aasar mo ha? Alam kong content mo lang yan dahil dyan ka nakilala , yan ang branding mo bilang ROSMAR, Pero ngayon kasi hindi ka na si ROSMAR, ikaw na si Rosemarie Tan Pamulaklakin, asawa kita at may anak ka na. Kaya simula ngayon mag focus nalang tayo sa anak natin, more time sa amin ni natnat kasi ayokong lumaki si natnat na nakikita nya ayoko syang maapektuhan. Mahal kita kaya nasasaktan ako kapag hinuhusgahan ka nila kasi alam ko ang totoo na mabuti kang tao, na hindi ka mayabang, na mapagmahal kang asawa at mabuting ina.

“Me: Kaya ko kasi ginagawa yun daddy kasi pinagtatanggol ko lang ang sarili ko, sila naman ang nauna , pero bakit pag pumatol ako parang ako yung masama?

“Nathan: Mommy? Nakita mo ba akong pumatol sa mga basheeers? Hindi di ba? kasi kapag pinatulan mo sila lalong hahaba, lalong hina matatapos. Bakit mommy pag binash ka ba nila at sinabihan ka ng masama totoo bang masama ka? Di ba hindi naman? Ikaw ang nakakakilala sa sarili mo kaya di ka dapat mag paapekto sa sasabihin at paninira ng ibang tao sayo. Nag focus nalang tayo sa pamilya natin kasi alam naman natin ang totoo, wag mo silang pansinin, ang gawin natin dahil sobrang daming biyaya na natatanggap pumunta tayo sa mga bahay ampunan, o sa matatanda montly, para makatulong tayo sa mga tao.”

Nagpasalamat naman si Rosmar sa asawa dahil sa mga sinabi nito sa kanya.

“Naiyak na lang ako habang sinasabi nya sa akin yun kagabi habang pauwi kami sa bahay,” aniya.

“Mahal na mahal ko kayo ni Natnat,” dagdag niya.

May pangako naman siya sa publiko: “Kaya simula ngayon guys, si ROSEMARIE na ang makikita nyo, at hindi na si ROSMAR.”