Nanay ni Carlos Yulo sasali sa Mrs. Philippines?

KINUKUMBINSI ng Mrs. Philippines Organization ang ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica na lumahok sa timpalak na nakatakda sa Marso.

Sa ulat, sinabi ng kasalukuyang Mrs. Philippines na si Erika Joy Santos na nakikitaan niya ng potensyal bilang beauty queen si Gng. Yulo.

Bukod sa “fashion sense” ni Angelica, ipinunto ni Santos na pambihira rin ang mga accomplishments ng ginang na naitaguyod ang apat na anak na pawang kilala sa pinili nilang larangan.

Dagdag niya, gusto niyang makausap ang nanay ni Yulo.

“Maybe I can, you know, be somehow a relief to her…She’s very much welcome to join Mrs. Philippines 2025. Why not?” wika ni Santos.

Ayon pa sa beauty titlist, makapaguuwi ng P150,000 cash at iba pang premyo ang tatanghaling Mrs. Philippines 2025.