Nanay ni Carlos Yulo nag-isyu ng warning

“BE vigilant!”

Ito ang mensahe ni Angelica Yulo sa publiko kaugnay sa mga social media accounts na ginagamit ang kanyang pangalan.

Sa isang Facebook post, inihayag ni Gng. Yulo na maliban sa kanyang verified account ay wala na siyang iba pang page.

“May mga naglalabasang mga fake accounts ko po and may mga quote cards pa. Inuulit ko po iisa lang po ang Facebook acct ko wala nang iba pa,” aniya.

“Aside from my live selling wala na po akong ibang post, we’re trying to move forward po. God bless sa mga naninira po sa akin,” dagdag niya.

Matatandaan na ilang “Angelica Yulo” pages ang nagsulputan sa iba’t-ibang social media platforms at nagpo-post ng quotes na patutsada sa anak ng ginang na si Carlos Yulo at girlfriend nito na si Chloe San Jose.