Management sa likod ng ‘ka tawa-tawang’ birthday greeting billboard kay Imelda nag-sorry


HUMINGI ng paumanhin ang nasa likod ng electronic billboard ni Imelda Marcos na pinagpiyestahan kahapon, matapos akusahan ng copyright infringement.

Nag-tweet si Lauren Greenfield, direktor at artist ng “Kingmaker” documentary na ninakaw ang kanyang photo.

“Clearly, whoever stole my image to
wish Imelda Happy Birthday doesn’t
understand copyright infringement,” tweet niya.

Agad namang humingi ng tawad ang DOOH Management ukol dito.

“We must confess that we were unaware of your copyright, and we appreciate that you brought the matter to our attention,” DOOH ayon sa pahayag ng Management.

“Please be informed that as soon as we were made aware of the issue, we immediately took the greeting down,” dagdag pa nito.

Ang picture na ginamit sa electronic billboard sa kahabaan ng EDSA ay kinuhanan mismo ni Greenfield para sa kanyang documentary.

Ginawan naman itong katatawanan ng maraming netizens dahil sa halip na 93rd, 93th ang nakalagay sa greeting.