Magkapatid sinapian, binangungot sa labubu?

KAKILA-KILABOT ang nararanasan ng dalawang batang magkapatid makaraan umano silang magkaroon ng Labubu dolls.

Sa isang Facebook post, sinabi ng ginang na si Prngls Adriatico na nag-aalala siya dahil sa mga ikinikilos at pagbabago sa mga anak simula nang bigyan niya ng nasabing laruan ang mga ito.

Ayon sa ginang, kamakailan ay nakatanggap siya mula sa kanyang bunso ng chat na tila isang “ritwal”.

Mensahe ng bata: “Ma Mummy I love you Mum a toys Going to the Sun Mum I love you. Mummy I You you I love you I love you I love you I love you I love you Thank you Lord Thank you Lord For your Thank you Lord thank you Lord for your love to me is It’s so burying Thank you thank you Lord in the sun in the holy Village amen bye bye Mummy Daddy Thank you thank you Lord in the sun in the holy Village amen bye bye Mummy Daddy.”

Sinabi ni Adriatico na tumaas ang balahibo niya nang mabasa ang chat ng anak. 

“Never nagchat ng ganyan samin yan dahil konti lang alam nyan ichat panay voice record lang alam nyan… At kung anak ko yan, bakit? Bakit ganyan yung chat?” sabi niya.

Binabangungot naman ang kanyang ikalawang anak at nagsisira ng damit.

“Gising daw sya pero di daw nya mahawakan bunso ko kahit nakikita daw nya bunso ko may kasama daw na babae yung bunso kong anak. Pero di daw sya maka galaw at makapag salita,” paglalahad ng ina.

“Nagsira [rin siya ng damit] para daw gawin nyang damit sa labubu nya. Grabe impact ng laruan sa anak ko diko alam kung dahil mapag mahal lang ba sa gamit anak ko kaya sya ganyan o may epekto na talaga yung laruan sa kanya/kanila,” dugtong niya.

Ayon sa ginang, isang reseller ng Labubu, hindi niya sinisiraan ang toy brand dahil fan daw siya nito.

“Base on my experience lang kaya ako nag share. Pero nasa inyo padin naman yan. Simula naging fan sila ng labubu may ganito nang eksena sa mga anak ko…Bigla ako inatake ng anxiety ko,” wika pa niya.