Magdyowang ‘imortal’ nag-anniversary

LAUGH trip ang publiko sa caption ng viral Facebook display photo ng isang lalaki na kasama ang kanyang girlfriend.

“23 decades with you,” ang mababasa sa caption.

Ayon sa netizens, kung 23 dekada o 230 taon nang magkasama ang dalawa ay maituturing na silang mga imortal, lalo pa at ang babata nilang tingnan sa larawan.

Hirit ng publiko: “Kamusta mga bayani natin, nakasalubong nyo po? “Buti di pa sila naaagnas.”

“Kakapanood niya ng Kdrama yan.”

“Lahi sila ni Taguro sa Ghostfigther.”

“May nakatalo na kay Enrile.”

“Paexperience pong 23 decades of in relationship.”

“Hanep bat buhay pa mga yan?”