Labubu dolls ni Jinkee Pacquiao naka-LV, Chanel, Gucci

DAHIL fashionista si Jinkee Pacquiao kaya fashionista rin ang kanyang mga Labubu dolls!

Sa Facebook, shinare ni Jinkee ang lumalaki niyang koleksyon ng popular na plush dolls. Pero hindi ordinaryo ang ilan sa mga laruan dahil Louis Vuitton, Chanel at Gucci ang outfit ng mga ito. Isa ay may bitbit pang mini Chanel flap bag.

Sa paglago ng kanyang nakokolekta ay napatanong na ang misis ni Manny Pacquiao na, “Labubu na naman?”

Bukod kay Jinkee, ilan pang celebrities na haling na haling sa Labubu dolls sina Vice Ganda, Marian Rivera, at Heart Evangelista.