Labubu dolls hango sa demon gods?

VIRAL ang post ng isang netizen ukol sa pinagkakaguluhang labubu dolls, ang monster art toys na likha ng Hong Kong-based designer na si Kasing Lung, dahil hango umano ito sa mga kampon ng kadiliman.

Ayon sa post ng isang Jennie Escarilla sa Facebook, hindi dapat tangkilikin ng mga Kristiyano ang mga nasabing manika.

“Don’t be a labubu monster lover…Labubu dolls ( Nordic Elf ) Monsters the root is from a Nordic Mythology demon gods.

Dagdag ng post, nakakatakot isipin na mayroong nangongolekoleksyon ng mga demonyo.

“Don’t let demon spirits enter into your home. As Christ followers we have no business bringing these character dolls into our homes,” pahayag pa ng post.

Sa pagsasaliksik ng PUBLIKO, totoo na inspired ang mga manika sa Nordic folklore pero wala umanong “overtly demonic” sa mga ito.

“Labubu’s mischievous, playful vibe aligns with creatures in Nordic tales that are curious, sometimes a bit eerie, but not evil. lThis folklore-inspired look gives Labubu its signature charm, blending cute with a touch of the uncanny, much like the playful yet mysterious characters in Scandinavian mythology,” ayon sa isang lathalain ukol sa trending na laruan.