Kirk Bondad ligwak sa Mr. World; sigaw ng fans: cooking show

KUNG paniniwalaan ang pageant fans, napolitika ang pambato ng Pilipinas sa Mr. World 2024 na si Kirk Bondad kaya hindi ito nakapasok sa Top 10 ng timpalak.

Ayon sa ilang pageant experts, pinaghati-hatian ang mga puwesto sa Top 10 sa 10 rehiyon o continents gaya ng Asia, Europe, Africa, Oceania, Caribbean at Americas.

Sa Asia, ang mga nakapasok ay ang Vietnam, India at Turkiye.

Pahayag ng mga observers, isinama ang Vietnam dahil deserving umano ito at ito ang host country.

Pero hirit nila, nakakapagtaka kung paano nakapasok ang India at Turkiye.

“Yung Turkiye at India napaka-underwhelming ng performance nila. OK sana kung may dating e wala rin naman.”

“Napaka-impossible sa india at turkey. Ang didirty at oily pa nga ung dalawa na pinasok.”

“Solid ng performance niya. Walang kwenta kasi format sa top 10 dapat hindi na continental kasi continental na yung top 20 eh. Vietnam and India over him? Ang layo layo ng edge ni Kirk sa kanila based on looks and commskills combined.”

“Mga nakapasok sa 10. Kahit kalyo ni Kirk di uubra sa itsura nila.”