POSITIBO sa rabies ang golden retriever na si Killua, ayon sa Bureau of Animal Industry.
Agad namang pinagbigay-alam ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang impormasyon sa publiko at sa amo ni Killua.
“PAWS would like to inform the public that Killua’s body tested positive for rabies and urges those who may have been scratched or bitten by the dog to immediately get post-exposure shots. This includes pet owner Vina Arazas who hugged the bloodied body of her beloved dog when she found him at a known dog slaughter area in Sta Cruz, Bato, Camarines Sur,” ayon kay PAWS director Anna Cabrera.
Gayunman, nagpasubali naman ang grupo na maaaring hindi na wasto ang resulta ng pagsusuri.
“It may not be accurate due to the fact that the body had already been buried for five days prior to testing and may have been contaminated from being in an area where many stray dogs have already been slaughtered,” dagdag ni Cabrera.
Sa kabila nito, itutuloy ng PAWS ang pagsasampa ng kaso laban kay Anthony Solares, ang tanod na pumatay kay Killua noong Marso 17 sa Bato, Camarines Sur.