HINDI ikinarangal ng LGBT community ang ginawang panenermon nang dalawang oras ng Cebu transgender na si Jude Bacalso sa isang waiter na tinawag siyang “sir” gayung naka-makeup at damit pambabae siya.
Isa sa mga umalma kay Bacalso ang TV personality at aktres na si Jervy Lisaba, na mas kilala bilang si KaladKaren.
Sa Facebook post, sinabi ni KaladKaren na natatawag din siyang “sir,” pero hindi gaya ni Bacalso, hindi siya nao-offend.
“Sometimes, I still get called ‘sir’… but I know how to choose my battles. When this happens, most of the time, I just smile, be the bigger person and let it pass,” aniya.
“Sometimes I answer in jest, ‘ikaw naman kuya/ate, ang ganda ko naman pong sir’ sabay tawanan kami or sometimes I seriously ask them, “Kapag nakabihis babae pwede tawagin na lang ng “ma’am” or “miss”, if you’re not sure po, pwede sila tanungin,” dagdag niya.
Paliwanag ni KaladKaren, madalas ay hindi ito sinasadya ng tao.
“Nalilito lang talaga sila. Tinawag kang ma’am or sir because they want to show respect. If you don’t agree with how you are addressed, it is up to you to correct it. If you show them respect, respeto din ang ibabalik sa iyo. Pero syempre, may iba rin naman talagang gustong mambastos at ibang usapan na iyon,” sey niya.
Payo niya sa ibang transgender: “We have to let them understand the importance of using the right pronouns for every SOGIE. But educate properly. People commit mistakes… I do also.”
“I believe, being kind makes us empathize more with other people. Let’s love and respect one another,” pagdidiin niya.