NASA ikalimang pwesto ang Chicken Inasal ng Pilipinas sa listahan ng Taste Atlas na 50 Most Popular Chicken Dishes in the World.
Ito’y base sa audience rating na isinagawa ng Taste Atlas ngayong Oktubre kung saan nanguna ang pollo a la brasa ng Peru.
Inilarawan ng Taste Atlas Chicken Inasal bilang “an encyclopedia of flavors, a world atlas of traditional dishes, local ingredients, and authentic restaurants.”
“It employs various chicken cuts marinated in a mixture of vinegar and numerous spices such as lemongrass, garlic, and ginger,” sabi pa nito.
Kabilang sa mga inirekomenda ng Taste Atlas ang Aida’s Manokan sa Bacolod batay na rin sa komento ng mga food critics.